NAGA CITY- Patuloy na inaalala ng ilang mga pinoy sa sa The Netherlands ang mga magagandang nagawa ni dating presidente Rodrigo Duterte.

Sa naging report ni Bombo International News Correspondent Cristy Cariño, mula sa The Netherlands, sinabi nito na nagtipon-tipon ang mga Pinoy sa The Hague bitbit ang kanilang mga banners.

Ayon kay Cariño, dumating sa The Hague ang dating presidente dakop alas-7:37 ng gabi (oras sa Netherlands) dahil sa delay ng kaniyang travel. Ngunit umaga pa lamang ay nag-aabang na ang mga Pinoy, Pro at Anti-Duterte man sa labas ng International Criminal Court (ICC) Detention Center. Maliban aniya sa mga pinoy, naroon din ang mga foreign nationals na nag-abang.

Samantala, naging ligtas naman ang byahe ng dating presidente at pagdating nito sa lugar, ay hindi sila binigyan ng pagkakataon upang masilayan ang dating presidente. Ngunit ipinakita pa rin nila ang kanilang buong suporta at pagmamahal sa dating presidente.

Binigyan-diin rin ni Cariño ang mga magagandang nagawa ni Duterte para sa Pilipinas noon ito ay nakaupo pa, na dapat naman umanong alalahanin ng mga pinoy.

Sa kabila nito, maging ang mga Dutch People ay nabigla sa biglaang pag-aresto sa dating presidente.

Kung tatanungin umano ang ilang dutch citizens, ang pagkakaaresto kay Duterte ay hindi lamang dahil sa madugong drug war nito, ngunit dahil rin sa away ng pamilya Duterte at Marcos.

Alagad maikokonsidera naman umanong legal an pag-aresto kay Duterte dahil sa naturang bansa, ay hindi basta-basta nagpalabas ng warrant of arrest kung walang legal na basehan at proseso.

Sa ngayon, panawag na lamang ni Cariño sa lahat ng Pinoy lalong-lalo na sa mga Bikolano na respetuhin, at huwag kaagad husgahan si Duterte dahil lamang sa pagkakaaresto sa kaniya. Gayundin, alalahanin ang mga magagandang nagawa ng dating presidente pa sa ating bansa.