NAGA CITY– Umabot halos isang tonelada ng processed meat ang nakumpiska ng Task Force ASF sa lungsod ng Naga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jaime Jalcon ng City Veterinary Office, sinabi nitong mahigpit ang kanilang isinasagawang pagbabantay lalo na sa Bicol Central Station.
Ayon kay Jalcon, hindi na nila pinapatuloy ang mga nadidiskubreng processed meat lalo na ang mula sa mga lugar na may kaso ng ASF.
Sakali mang makakumpiska, hindi na pinapayagan na makuha ng may-ari hanggang sa walang naibibigay na karampatang dokumento.
Ayon kay Jalcon, magpapatuloy ang kanilang inspeksyon hanggang sa wala ng kaso ng ASF sa bansa.
Kung maaalala, kahapon ng muling makakumpiska ng mahigit 100kls ng assorted processed meat sa nasabing terminal.