NAGA CITY – Kinumpirma ngayon ng isa sa mga hog raiser sa bayan ng Bombon, Camarines Sur na buwan pa ng Enero ng magsimulang mamatay ang kanilang mga alagad baboy.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Rosel Olieta, sinabi nitong humigit kumulang na sa 30 mga baboy an namatay sa kanilang Barangay mula pa noong isang buwan.
Aniya, natakot silang ipaalam sa mga otoridad ang nangyayari dahil ayaw nilang malaman na baka may kumakalat ng sakit sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, mas minabuti na lamang aniya nilang ibaon sa lupa ang mga namamatay na baboy.
Habang ang iba naman, sakaling nakikitaan ng sintomas kaya ng panghihina at hindi kumakain, agad nang kinakatay ng mga tao para mapakinabangan pa.
Sa ngayon, humigit kumulang na sa 50 mga buhay na baboy ang kinuha ng mga otoridad mula sa mga apektadong Barangay.
Samantala, bagamat nakalockdown na ang naturang bayan, aminado ang isang hog raiser na naipabili pa niya ang isang maysakit na baboy sa karatig bayan ng Calabanga kung saan napabalitang may mga kaso na rin ng pagkamatay ng ilang mga baboy.
Sa ngayon, nagdeploy na rin ng augmentation personnel sa Bureau of Animal Industry- National Veterinary Quarantine Service habang naglagay na rin ng 35 additional quarantine checkpoint personnel sa iba’t ibang entry and exit point sa naturang lalawigan.