NAGA CITY- Mabilis umano na nakabawi ang mga negosyo sa lungsod ng Naga matapos ang pagsipa ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Alec Santos, head ng Tourism Office sa nasabing lungsod, ito’y dahil na rin sa pagdami ng tao na namamasyal sa lungsod na nagpapalakas sa kita nito.
Idagdag pa umano ang pagbubukas ng mga kainan at coffee shop na dumagdag sa excitement ng mga turista.
Dahil naman sa paglakas at pagdami ng mga food deliveries sa gitna ng pandemya patuloy naman ang pagtiyak ng lokal na pamahalaan ng Naga sa kaligtasan ng mga delivery riders.
Sa ngayon, kinakailangan na lang na ipagpatuloy ng LGU-Naga ang paghikayat sa mga tao na patuloy na bisitahin ang naturang lugar.