NAGA CITY – Kasabay ng nagpapatuloy na kilos-protesta sa Estados Unidos dahil sa pagkamatay ng Black American na si Greorge Floyd, ay ang pagkalugi rin ng mga negosyo gayundin ang pagkawala ng trabaho ng mga empleyado sa bansa.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Grace Guamos Chan, sinabi nito na peaceful protest lamang umano sana ang isinasagawa ng mga residente ng naturang lugar para humingi ng hustisya sa pagkamatay ni Floyd.
Ngunit marami aniya ang nanamantala sa sitwasyon at nagsasagawa ng loothing kung saan sinisira at pinagnanakawan pa ng ibang mga nagpoprotesta ang mga establisyimento sa lugar.
Ayon pa dito, labis na aniya itong nakakabahala.
Sa ngayon, nagpatupad na ng curfew sa lugar para na rin sa kaligtasan ng karamihan.