NAGA CITY – Matapos ang isinagawang Bicol Inter-Agency Task Force (BIATF) meeting ng mga gobernador at mga local chief executives, napagkasunduan na magpatupad ng mas maghigpit sa mga quarantine control points sa Bicol Region.
Ilan sa mga ito ang pagbabawal at pagpapabalik sa pinanggalingan ng lahat ng mga non-essential na biyahero galing sa NCR plus at iba pang lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) o Modified Enhanced Community Quarantine (MGCQ) na uuwi sa Bicol Region.
Kung saan, kinakailangan na makapagpresenta ang mga biyahero ng kanilang negative result ng RT-PCR test bago payagan na makapasok sa rehiyon.
Ang nasabing test ang gagawin sa border control sa Del Gallego o sa lugar na kanilang pupuntahan.
Kaugnay nito, mananatili naman ang Quarantine Control Checkpoint sa lalawigan ng Sta. Elena sa Camarines Norte at Del Gallego sa Camarines Sur.
Sa ngayon, magdagdag naman ng mga tauhan ang PNP Police Regional Office 5 sa nasabing border control point para makatulong sa pagchecheck at pag-iinspeksyon sa mga byahero na dadaan sa nasabing lugar.