NAGA CITY- Karamihan umano sa mga Overseas Filipino Worker (OFW’s) sa Saudi Arabia ay paubos na ang mga ipon dahil sa pagkawala ng trabaho dahil sa Coronavirus Disease.
Sa report ni Bombo International Correspondent Jerry Bern Layco sinabi nito na noong nakaraang buwan pa sila nawalan ng trabaho, kung saan hindi narin umano sila nakakapag-padala sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas.
Ayon dito, nababahala narin sila sa mga posibleng mangyari sa mga susunod pang araw dahil kung sakaling maubos ang kanilang naitabing pera ay hindi na umano nila alam kung saan sila kukuha pa.
Samantala, nanawagan naman ang lahat ng mga OFW’s sa bansa na ibigay na ang tulong pinansiyal na ipinangako ng gobyerno ng Pilipinas na 200 US dollar para sa mga apektado ng nasabing sakit.