NAGA CITY- Nakatakda nang papirmahin ng waiver ng ilang mga otoridad ang mga pamilyang patuloy na nagmamatigas at ayaw sumunod sa mandatory preemptive at force evacuation sa Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Isagani Raña, Municipal Disaster Risk Reduction Officer ng Bula, sinabi nitong ilang mga residente mula sa iba’t ibang barangay ang ayaw talagang lisanin ang kanilang bahay.

Kaugnay nito, sa pamamagitan aniya ng waiver, sumasang-ayon ang naturang mga pamilya na walang pananagutan ang gobyerno sakaling may mangyaring masama sa kanila.

Kung maaalala, una nang nagbanta si CamSur Gov. Migz Villafuerte na mahaharap sa kaso ang mga LGUs na hindi maililikas ang kanilang mga residente lalo na ang mga nasa high risk areas.