NAGA CITY- Nadismaya ang ilang Overseas Filipino Workers (OFW) sa Hongkong sa unang araw ng pagsasagawa ng voter’s election.
Mababatid na pormal na nagsimula ang halalan sa nasabing bansa noong Linggo, Abril 10.
Sa panayam ng Bomdo Radyo Naga kay Bombo International News Correspondent Ricky Sadiosa, pinahayag nito na sa pagpasok pa lamang sa voting center, may iilang OFW’s na umano na loyalista ng isang presidential candidate ang nagsasagawa ng harrasment sa pamamagitan ng pagtanong sa mga botante kung sino ang ibobot nito bagay na labag na sa privacy ng isang botante.
Aniya, nalabag din umano ang mga panuntunan ng konsulada na mahigpit na sundin ang anti-pandemic measures ng Hongkong.
Dagdag pa ni Sadiosa, linapitan ng mga pulis ang ginawang pila ng mga mabotong OFW’s upang paalahanin na sumunod sa social distancing dahil mahigpit rin ang bansa upang mapanatili ang mababang kaso ng COVID-19.
Nabatid na nagkaroon kasi ng surge sa bansa nitong nakalipas na Pebrero at Marso.
Kaugnay nito, nagkaroon rin ng komosyon dahil sa kakulangan ng VCM’s sa kabila ng mataas na bilang ng mga botanteng Pilipino na boboto sa lugar na inaasahang sisipa sa 63,000.