NAGA CITY- Umabot hanggang dibdib ang naranasang pagbaha sa ilang parte ng Naga City dahil sa bagyong Enteng.
Isa na dito ang San Antonio St., Zone 1, Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City na halos nalubog na ang mga gamit sa baha.
Nasa critical level na rin ang lebel ng tubig sa Naga River kagabi, dulot ng patuloy na malask na pag-ulan sa lugar dahil sa nasabing Bagyo.
Kaugnay nito, sa social media post ni Naga City Mayor Nelson Legacion, ipinag-utos nito kagabi na ang lahat ng barangay ay mag-implement ng force evacuation. Ito’y dahil sa loob ng 24 oras, nasa 250mm na rainfall amount na ang bumuhos sa lungsod. Ibig sabihin, ang ulan na pang 1-2 buwan, ibinuhos lamang ng isang araw.
Sinuspende rin nito ang trabaho sa pribado at pampublikong opisina simula alas-8 ng gabi kagabi hanggang ngayong araw Setyembre 2, 2024. Gayundin ang Suspensyon ng Klase sa lahat ng paaralan sa lungsod.
Samantala, nagsilbi namang evacuation Center ang JMR Coliseum, Sta. Cruz Evacuation Center, PAGCOR Evacuation Center at Ateneo de Naga para sa mga residentes na kinailangan lumikas.
Kagabi rin, kinailangan i-shut down ng CASURECO II ang lahat ng power lines sa lungsod bilang precautionary measure.