Naga City- Dumagsa ang mga pasahero na pabalik na sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa sa Bicol Central Station.
Ayon sa nagin kapahayagan ni Nonoy Reforsado, Terminal Manager ng Bicol Central Station sinabi nito na kinailangan na magdagdag ng mga bus na bumabiyahe ang mga bus companies upang ma-acomodate ang lahat ng mga pasahero na bumiyahe ngayong araw at sa susunod pang mga araw.
Dagdag pa nito, kadalasan umano sa mga pupumunta nang maaga sa terminal ang mga “chance passengers” lamang dahil marami sa mga pasahero ang mayroon nang ticket.
Inasahan naman nang kanilang tanggapan ang ganitong sitwasyon lalo’t higit na maluwag na ang mga panuntunan sa ngayon.
Kaugnay nito, mayroon nang nasa 86 buses ang naitala na bumiyahe papunta sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang araw, mula Enero 1, 2022.
Patuloy naman ang isinasagawang pakikipag-usap ng opisyal sa mga bus companies upang magin maayos ang operasyon at hindi magkaroon ng problema ang mga pasahero.
Maiikumpara naman umano ang sitwasyon ngayon sa terminal sa sitwasyon noong 2019 at 2020 kung saan maraming mga pasahero ang dumagsa sa nasabing terminal.
Sa ngayon, umaasa si Reforsado na magiging maganda ang kita nang Bicol Central Station ngayong taon at muling maaabot ang dating kita nang terminal bago ang pandemya na umaabot umano sa P4-M sa loob ng isang buwan.