NAGA CITY- Naghihintay na lamang umano ang mga Pilipino sa Afghanistan ng kanilang repatriation flight pauwi ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Bombo International News Correspondent Joseph Glen Gumpal mula sa nasabing bansa kaugnay nang tuluyang pagkubkub ng Taliban sa pamahalaan ng bansa.
Aniya, kung sakaling dumating ang kanilang repatriation flight, lalapag ito sa military airport dahil wala pa ring commercial flight ang lumalapag sa lugar.
Ngunit sa kabila ng pagtatapos ng government pronouncement na 72-oras na non operational ang airport, hindi pa rin makapag-operate dahil sa dami ng tao na naghihintay ng flight paalis ng Afghanistan.
Dagdag pa ni Gumpal, posible aniya na ito rin ang dahilan kung bakit naantala ang pagdating ng kanilang repatriation flight.
Kaugnay nito, tiniyak naman nito na ligtas naman ang lugar na paglalapagan ng repatriation flight ng mga Pilipino.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si Gumpal kina DOLE Secretary Silvestro Bello III at DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. sa pagsisikap na makapadala ng repatriation flight kahit hindi pa nakakarating sa bansa