NAGA CITY- Tila ang mga Pinoy nurses umano ang nangunguna sa pagpapakitang gilas ngayon sa paglaban sa COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa report ni Bombo International Correspondent Vergie Contreras, sinabi nitong halos 80% ng mga nurses sa California ang nag-aalaga sa mga taong apektado ng naturang sakit.

Ayon kay Contreras, kitang-kita aniya ang pagiging magaling at maabilidad ng mga Pinoy sa gitna ng pandemya.

Sa kabila nito, doble aniya ang pag-iingat ng nasabing mga Pinoy frontliners sa US para maiwasang mahawaan ng nasabing sakit.