NAGA CITY- Nakakaranas rin umano ng diskriminasyon ang mga Filipino sa Minneapolis, Minnesota.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Michael Maranan, isa sa mga Filipino Nurse sa nasabing lungsod, sinabi nito na kailangan munang patunayan ng mga Asian at iba pang lahi ang kanilang sarili at galing bago ito matanggap sa isang trabaho.
Mas prayoridad umano kasi dito ang mga white american dahil sa tinatawag na white privilege kung saan kumpara sa iba ay kailangan lamang ng mga ito ng ilang documento upang makapasok sa trabaho.
Ngunit sa kabila nito marami rin naman umanong mga US Citizen sa lugar ang mababait lalo na sa mga panahon ngayon na mas tanggap na ng mga kabataan ang ibang lahi.
Kung maalala isa sa mga itinuturong dahilan ng pagkamatay ng black American na si George Floyd ang pagkakaroon ng diskriminasyon o racism sa nasabing lugar.