NAGA CITY – Dismayado ang mga Pinoy sa Zambia, South Africa matapos ipatupad ang travel ban dahil sa Omicron Variant.
Sa ulat ni Bombo International News Correspndent Rica Marie Ablaneda Ouyang mula sa naturang bansa, sinabi nito na tila napalitan ng lungkot at pagkadismaya ang excitement ng Pinoy na nagbalak na makauwi ng Pilipinas ngayong Disyembre.
Kaugnay nito, ikinabigla nila ang mga pinapatupad na travel ban lalo na’t wala pa naman ng naturang variant ang naitatala sa nasabing bansa.
Samantala, sinabi pa ni Ouyang na simula ng magkaroon ng nakmamatay na virus, nasa 15 hanggang 20 kaso lamang ang naitatala bawat araw sa kanilang lugar.
Sa ngayon, umaasa na lamang ito na matatapos din ang nararanasang COVID-19 pandemic.