NAGA CITY- Maghapon ang isinagawang kilos protesta sa lungsod ng Naga, kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Presidente Rodrigo Duterte.
Una nang nagsagawa ng programa ang ilang grupo sa Plaza Rizal kasabay ng pagsunog ng effigy.
Habang ngayong hapon naman ay isinagawa ang motorcade na binubuo ng mga professional employee ng lungsod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Ricky Tomotorgo, sinabi nito na ang nasabing kilos protesta ay binubuo ng mga doctor, abogaado at iba pang professional employee.
Ayon dito layunin umano ng groupo na ihayag ang kanilang mga puna pati narin ang pagkontra sa pagpapasara sa media giant na ABS-CBN, hindi lamang sa gobyerno pati narin sa mga mamamayan.