NAGA CITY – Takot at pangamba ngayon ang nararamdaman ng mga residente sa Estados Unidos dahil sa pag-disarm sa mga kapulisan.
Ito’y kaugnay ng Anti Asian Hate Crime Law sa naturang bansa.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Virgie Contreras mula sa California, sinabi nito na ang naturang hakbang ay upang maiwasan ang excessive use of force ng mga otoridad.
Ngunit dahil din sa nasabing direktiba ay marami nang mga pulis ang nagresign at nag-quit sa kanilang mga trabaho.
Ayon kay Contreras, nangangamba sila dahil kung sakaling magkaroon ng kaguluhan, paano na lamang umano sila mapoprotektahan ng mga pulis kung ang mga ito mismo ay inalisan ng gamit.
Dagdag pa nito, layunin sana ng naturang batas na protektahan ang mga Asyano sa bansa ngunit kaakibat naman nito ang tila pag-deprive sa mga pulis sa paggamit ng armas.
Ngunit sinabi rin nito na maganda ang kalalagayan sa Estados Unidos dahil sa mga special laws na layon ang ikabubuti ng nakararami.
Samantala, mababatid na Mayo 20, sa kasalukuyang taon ng tuluyan ng lagdaan ni US President Joe Biden ang naturang batas.
Sa ngayon, ayon kay Contreras, patuloy pa rin aniyang pinag-aaralan ng pamahalaan ng Estados Unidos ang sitwasyon sa nasabing bansa.