NAGA CITY- Nagpalabas na ng kautusan si Governor Migz Villafuerte hinggil sa pagpatupad ng preemptive at force evacuation ngayong araw (October 25, 2020) sa mga lugar na nasa high risk area sa probinsya ng Camarines Sur.
Ito’y matapos na isailalim na sa Tropical Cyclone signal no.1 ang nasabing probinsya at iba pang lugar sa Bicol Region dahil sa Bagyong Quitan.
Ipinagutos narin ni Governor Migz sa mga Local Disaster Risk Reduction Management Councils (LDRRMC) ang pagsasagawa ng paglikas hanggang sa alas 5:00 ng hapon ngayong araw.
Kaugnay nito mahigpit naman ang paalala ng gobernador na tiyaking nasusunod ang mga minimum health standards sa mga evacuation center.
Sa ngayon nananatili naman na naka red alert status ang nasabing probinsya matapos itong una ng ipatupad Sabado ng hapon, para sa mas pinaigting na paghahanda.
Kasabay nito nakipag-ugnayan narin ang ilang Local Government Unit sa Department of Education (DEPED) upang humingi ng permiso sa pag gamit ng mga eskwelahan na bilang evacuation center.