NAGA CITY- Hndi inaasahan ng mga residente ng Hongkong ang biglaang kaplanuhan ni Chief Executive Carie Lam na i-withdraw ang usapin sa Extradition Bill.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong pasado alas 2:00 ng hapon ng magpalabas ng impormasyon ang tanggapan mismo ni Lam na pupulungin nito ang mga law makers para pag usapan ang naturang plano.
Ayon kay Sadiosa, kasabay ng mga ginawang pagpupulong ng mga mambabatas hindi naman nagpatinag ang mga raliyista sa kanilang plano na magsagawa parin ng ilang mga kilos protesta.
Aniya, marami ang kahilingan ng mga ito kasama na rito ang pagbibigay tulong sa libu-libong indibidwal na nasugatan at naaresto dahil sa naturang magkakasunod na protesta.
Samantala, iba’t iba naman aniya ang naging reaksyon ng mga residente sa naturang plano ng kanilang chief executive.