NAGA CITY – Nagpalabas na ng kautusan si Naga City Mayor Nelson Legacion na ilikas na ang mga residenteng nananatili sa mga flood at landslide prone areas sa lungsod dahil sa banta ng Bagyong Tisoy.
Mamayang ala-una ng hapon nakatakda ng simulan ang preemptive evacuation sa mga kinokonsidera bilang high risk areas.
Kaugnay nito, inatasan na rin ang lahat ng barangay officials sa lungsod na paigtingin ang monitoring sa kanya-kanyang lugar na nasasakupan.
Samantala, suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pambulikong paaralan bukas, araw ng Lunes.
Maging ang mga government at private offices ay suspendido na rin ang pasok pagdating ng alas 12:00 ng tanghali.
Maliban sa Naga City, epektibo rin ngayong araw ang mandatory preemptive at force evacuation sa Camarines Sur na una nang ipinatupad ni CamSur Gov. Migz Villafuerte.