NAGA CITY- Umapela ng tulong ang mga residente sa Tokyo, Japan hinggil sa nangyayaring panic buying ng mga prime commodities sa nasabing lugar.

Ito’y kaugnay pa rin ng banta na dala ng Novel Coronavirus (COVID-19).

Sa report ni Bombo International Correspondent Nonilyn Bravo ng Tokyo, Japan, sinabi nitong dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nasabing sakit sa lugar nagkakaubusan na ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, tissue, de lata at lalong lalo na ng masks.

Ayon kay Bravo, umaga pa lamang halos mapuno na ang mga grocery stores sa haba ng pila ng mga mamimiling nagpapanic buying.

Sa kanila nito tiniyak naman ng gobyerno ng Japan na mayroong sapat na supply ang bansa ng mga pangunahing pangangailangan.

Sa ngayon, umaasa naman si Bravo na matatapos rin sa lalong madaling panahon ang dagok at pangambang dala ng naturang sakit sa kanilang lugar.