NAGA CITY- Nagpanic buying ang mga residente sa bayan ng Lagonoy, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Victor Francia, Municipal Agriculture Officer Head ng nasabing bayan, sinabi nito na nagkaroon ng mahabang pila sa mga gasoline station isang araw sa kanilang bayan gayundin sa karatig na bayan dahil sa balitang sila ay mauubusan ng supply sa produktong petrolyo.

Dahil dito, maagang nagsara ang ilang gasoline station at naging sanhi ng matinding daloy ng trapiko.

Ngunit ngayong araw, balik- operasyon na ang mga gasoline station gayundin ang trapiko sa kanilang bayan.

Dagdag pa rito, dumating na ang mga nagde-deliver ng goods commodities sa kanilang bayan.

Samantala, tumaas din ang presyo ng ilang bilihin sa merkado dahil sa nagdaang bagyo.

Umapela ang opisyal sa publiko na huwag samantalahin ang naturang banta na kinakaharap ng bansa lalo pa’t mas mahalaga ang pagtutulungan.