NAGA CITY- Muli nang binuksan ang mga resorts at mga function halls sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Mayor Ed Severo, sinabi nito na bukas na at nagbibigay ng 50% capacity ang mga nasabing tourist sites.

Bagamat dapat pa rin umanong mahigpit na sundin ang ipinapatupad na minimum health protocols.

Kaugnay nito, pinapayagan na rin ang pagsasagawa ng mga kasal sa nasabing bayan makalipas ang isang buwan na pagsususpinde dito, bagamat limitado pa rin umano ang mga handaan.

Sa ngayon, muling isinailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula sa General Community Quarantine ang nasabing bayan.