NAGA CITY – Hinikayat ng isang abogado na dapat magkaroon ng polisiya hinggil sa pagbibigay ng proteksyon sa mga kabataan ang mga school heads lalo na ngayon na magsisimula na naman ang klase ng mga estudyante.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Salvador “Bogs” Pelingon, Division Information Officer, pinaalalahanan nito ang mga school heads na dapat mayroon na silang na-i-published na child protection policy at anti-bullying policy, na dapat man na ipaalam sa mga stakeholders ng mga paaralan lalong-lalo na sa mga estudyante.
Ito’y dahil dapat din itong malaman ng mga mag-aaral upang maiwasan na masangkot sa mga insidente ng pambubully.
Maliban pa dito, ang nasabing kautusan rin ang magtatakda ng mga kaparuhasan na maaaring kaharapin ng mga nambubully.
Kaugnay nito, dapat rin umano na magkaroon ng positive dicipline ang mga magulan sa kanilang mga anak na nahihirapan na mag-adjust sa unang linggo ng klase.
Binigyang diin din ni Pelingon na kung ang problema naman ng isang estudyante ay ang palagiang pag-absent, dapat na alamin ng guro ang dahilan nito at iwasan ang pagpapataw ng parusa sa pamamagitan ng pagpapasulat sa mga bata ng isang buong papel na hindi na nito uulitin ang nasabing vioation.