NAGA CITY- Walang naitala at nadetermina na mga karne na positibo sa African Swine Fever sa mga slaughterhouse sa buong Bicol Region.
Sa nagin pagharap sa mga kawani ng media ni Dr. Alex Templonuevo, NMIS-Bicol Regional Technical Director, sinabi nito na ang natitira na lamang ay lingering virus ng ASF na lulusot patungo sa isang lugar tungon naman sa iba pa.
Binigyan diin rin nito na dapat ay Regulatory Section na ng Department of Agriculture ang mag monitor at magbigay ng advise sa mga LGU dahil labas naman umano ito sa kanilang hurisdiksyon.
Karaniwan rin umano na ang nagiging dahilan ng pagkalat ng mga ganitong sakit na mula sa mga slaughterhouse na kung saan dito rin nadedetect na mayroon talagang kaso sa mga LGU.
Bilang parte namang ng protocol, sakaling makita na meron ng nasabing sakit sa isang slaughter house, ay otomatiko itong ipapasara sa loob ng pitong araw.
Magkakaroon din ng disinfection at cleaning sa lugar upang masiguro na wala na talagang virus sa lugar at hindi na ito kumalat pa.
Samantala, isa naman sa kinababahala ng ahensya ay ang pag travel ng mga meat products maging ang mga processed na dahil mahirap na itong matunton.
Kaugnay nito, kahilingan naman ni Templonuevo na bago makapag byahe ang isang byahero ay dapat tingnan muna at pagbawalan na magdala ng mga nasabing processed meat products.
Sa ngayon ay magpapatuloy rin an kanilang pagbabantay sa kalagayan ng lugar upang masiguro na hindi na muling kumalat pa ang ASF sa rehiyon.