NAGA CITY – Handa na umano ang mga opisyales at tagasuporta ni Vice President Leni Robredo sa magiging resulta ng Presidential Electoral Tribunal sa electoral protest na isinampa ni dating Sen. Bongbong Marcos laban dito.
Una nang kinumpirma ni Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado na magkakaroon ng programa ang mga supporters ni Robredo sa Camarines Sur ngayong araw
Buo rin ang paniniwala ni Bordado na susundin ng PET ang Presidential Electoral Tribunal Rule no. 65 na nagsasabing dapat idismiss ang kaso kung mapatunayang walang pandaraya at walang nabago sa resulta ng bilangan sa mga lugar na hiniling ng complainant sa ginawang recount.
Kampante naman ang mga taga suporta ng Bise Presidente na ito ang nanalo sa Vice Presidential Race at walang nangyaring dayaan sa naturang eleksyon
Maalala na isinagawa ang recount ng mga balota sa tatlong lalawigan gaya ng Camarines Sur, Negros Occidental at Ilo Ilo.