NAGA CITY – Patuloy ang pagdagsa ng mga tao sa Westminster Hall para magbigay ng pagrespeto sa namayapang reyna ng United Kingdom na si Queen Elizabeth II.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Paul Ledesma mula sa naturang basa, sinabi nito na sa ngayon isinara na ang gate ng Westminster Palace kaugnay ng isasagawang libing sa Reyna.
Kaugnay nito, para matiyak ang seguridad sa isasagawang libing, naka-high alert naman ang mga awtoridad dahil inaasahan libo-libong mga tao mula sa iba’t-ibang lugar maging mula sa labas ng bansa.
Ayon pa kay Ledesma, itinuturing na biggest security operation ang isinagawang paghahanda ng Metropolitan Police.
Dahil dito, lilimitahan lamang ang mga papapasukin sa venue.
Sa kabila nito, nakatalaan namang ilipat ang kabaong o coffin ni Queen Elizabeth II dakong alas-10:44 oras sa UK sa Westminster Abbey at ilalagay sa State Gun Carriage at hihilahin ng nasa 142 na mga Royal Soldiers.
Papangunahan naman ang seremonya ng mga Religious leader sa naturang bansa at nakatalaan na dadaluhan ng nasa 500 na mga Head of States, Royals at iba’t-ibang mga pinuno.
Naroon din ang lahat ng mga miyembro ng Royal Family na papangunahan ng bagong hari ng UK na si King Charles III.