NAGA CITY- Balik operasyon na ngayong araw ang Philippine National Railways sa Bicol matapos matigil dahil sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Atty. Celeste Lauta, Asst. General Manager ng PNR, sinabi nitong ang naturang byahe an may rutang Sipocot-Naga, vice versa.
Ngunit dahil sa ipinapatupad na social distancing, ang dating 450 pasahero kada byahe ang magiging 106 na lamang kung saan 66 ang nakaupo habang 40 naman ang nakatayo.
Sa kabila nito, mahigpit ding ipapatupad ang No face mask, No ride policy habang ipagbabawal din ang 20-anyos pababa, 60-anyos pataas, mga buntis at may sakit na bahagi ng guidelines na ipinalabas ng Department of Transportation.