NAGA CITY- Ilang mga war materials ang nadiskobre ng tropa ng pamahalaan sa Barangay Domagongdong, Del Gallego, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Division Public Affairs Office (DPAO) ng 9th Infantry Division, Philippine Army, nabatd na isa sa mga sumukong miembro ng rebeldeng grupo ang nagbigay ng impormasyon sa kasundaluhan kung saan nakatago ang kanilang mga bala.
Kaugnay nito, agad namang nagsagawa ng joint security operation ang kasundaluhan at kapulisan sa lugar kung saan nadiskobre ang iba’t ibang war materials.
Kasama sa mga narekober ang 2,343 rounds ng 7.62 ball ammunition, 5,000 rounds ng 7.62 linked ammunition, six clipped magazine na may eight rounds ammunition sa bawat isa, 150 rounds ng caliber 30 ammunition at 3,460 linked rounds na pinaniniwalaang para sa .30 caliber ammunitions.
Kaugnay nito, ipinag-utos ni MGen. Fernando Trinidad, Division Commander na ipagpatuloy ang intensified military operations sa lugar.
Samantala, muli naman itong nagpasalamat sa mga sumukong rebelde habang nanawagan naman ito sa iba pa na magbalik-loob na sa pamahalaan.