NAGA CITY- All set na ang mangyayaring Miss Earth Flora 2019 na gagawin sa Jesse M. Robredo Coliseum, Naga City bukas alas 7:00 ng gabi.

Ngayong hapon, nagsidatingan na ang nag-gagandahang 85 kandidata mula sa iba’t-ibang bansa.

Naging mainit at makulay naman ang ginawang pag-salubong ng mga Nagueno sa mga kandidata.

Sinabayan ang mga ito ng isang pasabog na dance performances ng Voyadores Dance Group.

85 Candidates ng Miss Earth Flora 2019, nagpakilala bitbit ang mga seedlings na kanilang itatanim sa isasagawang tree planting activity sa Naga City.

Kasabay nito ang pagpapakilala ng bawat isa, habang bitbit ang mga seedlings na kanilang itatanim sa Santa Cruz Elementary School para sa tree planting activity.

Kasama sa mga segment na gagawin sa siyudad bukas ang resorts wear parade , talent competition at evening gown competition.

Kasabay nito, inaasahan naman ang pag-dating ng aktor na si Tony Labrusca para sa kaniyang special performance sa araw ng mismong event.