Alam ba ninyo mga ka-bombo, isang 38-anyos na Japanese ang kamakailan lang na inaresto ng mga kapulisan dahil sa tinatawag na phone-stalking sa kanyang asawa ng mahigit 100 na beses bawat araw.

Ang nasabing mister, tinatawagan ang kanyang asawa ng wala naman sinasabi sa kabilang linya.

Batay sa report, July 10, isang 31-anyos na babae mula sa Amagasaki, sa Japan’s Hyogo Prefecture, ang nakatanggap ng kakaibang phone calls mula sa anonymous phone number at nang kanyang sinagot ang tawag wala naman umanong nagsasalita kung kaya sa sobrang inis kanyang pinatay ang tawag.

Ang nabanggit na pangyayari ay nagpatuloy sa mga sumunod na linggo hanggang sa na-realize ng babae na hindi tumatawag ang caller tuwing ginagamit nito ang cellphone ng kanyang mister.

Dahil dito, nagduda na ang 31-anyos na babae na posibleng ang kanyang asawa ang tumatawag sa kanya.

Humingi ng tulong ang babae sa mga kapulisan at dito na nga napag-alaman na ang kanyang sariling asawa ang mistery caller.

Inaresto ang 38-anyos na lalaki dahil sa paglabag sa Japan’s anti-stalker law.

Samantala, nang tanungin naman ang lalaki kung bakit ganun ang ginagawa nito, binigyang diin nito na dahil sa labis na pagmamahal sa kanyang asawa kung kaya nagawa nito ang nasabing bagay.