NAGA CITY – Binulabog ng sunod-sunod na putok ng baril ang isang barangay sa Ragay, Camarines Sur, kaninang umaga, Abril 5, 2024.

Ayon sa mga residentes nagkasagupa ang mga miyembro ng 81st Infantry Battalion ng Philippine Army at hindi pa mabilang na kasapi ng rebeldeng NPA sa Lower Sta. Cruz, Ragay, Camarines Sur.

Nagtagal naman ng halos sampung minuto ang nasabing sagupaan at tuluyan nang tumakas ang kabilang panig.

Wala naman umanong nasawi sa hanay ng mga sundalo habang patuloy pang inaalam sa panig ng rebeldeng grupo.

Antabayanan ang iba pang detalye sa Bombo Radyo Naga.