NAGA CITY- Patay ang isang miyembro ng LGBTQ matapos magpatiwakal sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si April Coleen Del Mundo Lopez, 22-anyos, residente ng Purok Bagong Silang, Brgy. Cotta sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lang ni Kimberly Marie Del Mundo Lopez, kapatid ng biktima na nakabigti sa loob ng kanilang banyo si April na nagin dahilan upang sumigaw ito para humingi ng tulong.

Kasabay rin nito, agad na rumesponde ang nurse na nasa katabing bahay at tinanggal kaagad ang lubid sa leeg ng biktima. Sinubukan rin sanang irevive si April Coleen ngunit wala na itong response kung kaya nagdesisyon si Kimberly Marie na dalhin na ito sa ospital.

Samantala, na-comatose pa ang biktima ngunit makalipas ang taltong araw sa kasamaang palad ito ay binawian rin ng buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na wala ring sinasabing kahit anong problema ang biktima kung kaya labis na ikinagulat ni Kimberly Marie ang pagpakamatay ng kaniyang kapatid.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente.