NAGA CITY- Maliban sa COVID-19, nagpapatuloy ngayon ang mas pinahigpit na monitoring ng mga otoridad sa mga lugar na una nang naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kap. William Masapol ng Barangay Pamukid, San Fernando, sinabi nitong sa ngayon natapos na ang depopulation sa mga apektadong baboy sa kanilang lugar na nasa loob ng 1km radius.

Sa ngayon, base aniya sa rekomendasyon ng mga otoridad, dapat na wala munang payagang mag-alaga ng baboy sa loob ng anim na buwan.

Maliban dito, kinakailangan din aniyang ipagpatuloy ang pagdis-infect at pagpapanatili ng kalinisan sa lugar.

Kung maaalala, ang naturang lugar ang pang sampo na sa mga bayan sa CamSur na apektado ng ASF kasama na ang lungsod ng Naga.