NAGA CITY – Bagama’t tapos na ang eleksyon, nagpalabas parin ng desisyon ang Korte Suprema sa mosyon na isinampa ng kampo ni former Pasig City Mayor Maribel Andaya-Eusebio laban sa desisyon ng Court of Appeals at Comelec na may kaugnayan sa pagtakbo nito bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Camarines Sur noong May 2019 Election.
Sa desisyon ng Korte Suprema, dineny nito ang mosyon ng grupo sa pagpapalabas ng status quo ante order sa nasabing kaso na may petsang Hulyo 2, 2019.
Kung maaalala, Marso 2, 2019 ng una nang i-dismiss ng Supreme Court an petition for certiorari ng kampo sa ilalim ng Rules 64 at 65 ng Revised Rules of Court dahil sa umano’y pagiging moot and academic.
Nagp-ugat ito sa pagkwestyon sa residency requirements kay Maribel Andaya-eusebio sa ikalawang distrito ng CamSur partikular na sa bayan ng Libmanan.
Kinatigan ng Korte ang unang naging desisyon ng Comelec na may misrepresentation si Andaya sa pagdeklara na registered voter ito ng naturang bayan sa kabila ng pending na Application for Transfer.
Kasabay ng naturang desisyon, tuloy parin ang pagtakbo ni Eusebio bilang kongresista sa naturang distrito ngunit tinalo ito ng kalaban na si Rep.