NAGA CITY- Patay ang isang motorcycle driver matapos masagi ng isang truck sa Maharlika Highway Brgy. Tagbakin Atimonan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rommel Oriel, residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binbaybay ng truck na pinagmamaneho ni Gaspar Orain Camedo, 43-anyos, residente ng Brgy. Bagong Bayan Taguig City ang direksyon papuntang Manila nang kainin nito ang kabilang linya ng kalsada dahilan para masagi nito ang motorsikol na pignagmamaneho ni Oriel na papunta rin sa direksyon ng Bicol.

Dahil sa insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na nagin dahilan ng kaniyang agad na kamatayan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nasabing pangyayari.