NAGA CITY- patay ang isang motorcycle driver matapos na mawalan ng kontrol ang pinagmamanehong motorsiklo sa Provincial Road Brgy. Salakan, Guinayangan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Geson Jay Ronquillo Balmes, 26-anyos, residente ng Brgy. Magsaysay Guinayangan Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng motorsiklo na sinasakyan ng biktima ang kahabaan ng nasabing kalsada pauwi sa kanilang bahay ng mawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho dahilan para ito ay mag-slide sa kalsada na naging rason rin upang magtamo ng sugat sa kaniyang katawan na siyang dahilan ng pagkamatay nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad napag-alaman pa hindi nakasuot ng helmet si Balmes ng mangyari ang nasabing insidente.

Sa ngunyan ay nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nasabing insidente.