NAGA CITY- Patay ang isang motorcycle driver at service crew habang nasa kritikal na kondisyon naman ang dalawang iba pa matapos na magkasalpukan ang dalawang motorsiklo sa San Lorenzo Road, Barangay Magang, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang binawian ng buhay na si Romel Nagrampa, 29-anyos, residente ng Poblacion 1, Barangay Site, Basud, Camarines Norte habang ang mga sugatan naman na sina Michael Angelo Fedirico, 21-anyos at back rider nito na si John Roy Nagera, 21, parehas residente ng Purok 6 Barangay Mampurog, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpt. Marilou Villafuerte, Deputy Chief of Police kan Daet Municipal Police Station, sinabi nito na habang binabaybay ni Rommel ang kahabaan ng kalsada mula sa kasentruhan ng Daet patungo sa Brgy. Magang, sa kaparehong bayan habang sakay ng kanyang motorsiklo ng aksidenteng nakasalpukan nito ang motorsiklong minamaneho naman ni Fedirico na nagmula naman sa bayan ng San Lorenzo at patungo sana sa sentro ng Daet
Agad naman sanang itinakbo sa pagamutan ang mga biktima ngunit ideklara ring dead-on-arrivla kan doktor si Rommel habang patuloy naman na ginagamot ang dalawang iba pa.
Ayon pa sa opisyal, pare-parehas na nasa ilalim ng impluwensya ng alak ang mga ito ng mangyari ang insidente.
Samantala, ayon na rin sa naging pakikipag-usap ng mga imbestigador sa pamilya ng mga biktima, hangad umano ng pamilya ng namatay na driver na sagutin ng kabilang pamilya ang mga gastusin sa pagpapalibing sa kanilang kapamilya, dahil kung hindi umano pumayag an mga ito ay mapipilitan sila na magsampa ng kaso.
Ngunit, ayon naman sa pamilya ng ikalawang driver na hindi naman sila tumatanggi na magbigay ng tulong sa ngayon ay mas uunahin at pagtutuonan muna nila ng pansin ang kanilang anak na kasalukuyang wala pa ring malay at nasa kritikal rin na kondisyon.
Sa ngayon, muling nagpaalala ang mga otoridad na iwasan ang pagmmaneho na nakainom at magkaroon ng disiplina habang nasa kalsada upang maiwasan ang mga ganitong klase ng insidente.