NAGA CITY- Dead-on-arrival ang isang motorcycle driver habang sugatan naman ang isa pa matapos nitong mabangga ang isang lalaki sa Brgy. Hagakhakin, Gumaca, Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Ronald Palconet Lacasa, 36-anyos, residente ng Block N11 L4 Emmanuel Bergado Dasmarinas Cavite City, habang ang sugatan naman na si Gerald Segarra Escasa, 45-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na habang binabaybay ng motorsiklo na minamaneho ni Lacasa ang Maharlika highway Northbound papunta sa direksyon ng Maynila ng mabangga nito si Escasa.

Dahil sa nangyari, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan si Escasa na agad namang dinala sa hospital para sa asistensya medikal.

Habang dinala naman ng Bureau of Fire of Protection Gumaca si Lacasa sa hospital ngunit idineklara itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nasabing insidente.