NAG CITY- Patay ang dalawang lalaki makalihis na magkabanggaan ang motorsiklong kanilang minamaneho sa Tigaon, Camarines Sur.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay PEMS Elogio Biando, DCOP MPS, na ang nasabing aksidente ay nangyari sa Zone 3 Brgy. Mabalodbalod, sa nasabing bayan nitong Miyerkules, Hulyo 31, 2024, bandang alas-10 ng gabi.
Sa kanilang inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na ang isa dito ay pauwi na sana sa Naga City mula sa bayan ng Goa nang aksidente itong makabangga sa isa pang motorsiklo na minamaneho naman ng isang 53-anyos na residente ng Brgy. San Antonio sa nasabing bayan.
Agad naman sanang dinala sa ospital ang dalawa ngunit sa kasamaang palad ay agad idineklara rin ang mga ito na dead on arrival ng mga doktor.
Samantala, an nasabi naman na kalsada ay under construction ng road widening na nagresult naman upang magkasalubong ang dalawang sasakyan sa isang linya.
Maliban pa dito ay medyo madilim rin umano sa lugar.
Dahil dito, nakipag-ugnayan na rin sil sa Municipal Engineering Office hinggil sa paglalagay ng mga street lights sa lugar lalo na sa mga inaayos na kalsada.
Sa ngayon, nagpaalala na lamang ang opisyal sa mga motorista na kapag mayroon ng nakita na mga signages ay magdahan-dahan na sa pagpapatakbo ng kanilang sasakyan upang makaiwas sa kahalintulad na insidente.