NAGA CITY- Muling isinusulong ang pagbuhay sa PNR South Long Haul Project.
Sa naging pagharap sa mga kagawad ng media ni Sen. JV Ejercito, sinabi nito na suportado umano nito nito ang pagpapabuti sa Railway system ng bansa lalo na ang muling pagbuhay sa pansamantalang nasuspende na proyekto dahil sa kakulangan ng sapat na pondo.
Ang South Long-Haul project ay patungkol sa paglikha ng 639-kilometer rail line na kokonekta sa Metro Manila at Bicol Region na kung saan tinatayang aabot sa humigit-kumulang P175 billion ang Poroject cost.
Layunin ng nasabing proyekto na mabawasan ang oras ng pagbiyahe mula sa Kalakhang Maynila papunta sa Rehiyong Bicol kung saan mula sa 12 oras ito ay magiging apat na oras na lamang.
Maaalala, una nang umatras ang Chinese government sa pagpondo sa nasabing proyekto sa pamamagitan sana ng Official Development Assistance (ODA).
Ngunit ayon kay Ejercito marami na umanong mga bansa ang nagpahayag ng kanilang pagsuporta sa proyekto maging ang multilateral institutions.
Ayon pa sa Senador, naglaan na rin umano ito ng pondo upang makatulong lalo pa’t nakahanda na rin ang plano, right of way para maipagtuloy ang South Long-Haul project.
Naniniwala ang opisyal na malaki ang epekto sa buhay ng mga mamamayan at makakabuti na rin sa ekonomiya ng bansa oras na maisakatuparan ang proyekto.
Sa ibang banda, nangako rin si Sen. JV na pag-aaralan ang mabuting gawin sa plano nang NAIA na 30 porsyento nang Flights ng Turboprop na eroplano ang malilipat sa Clark International Airport at iba pang secondary airports ngayon buwan nang Marso lalo pa’t isa ang Naga Aiport sa tatamaan nito at posibleng makaapekto sa lokal na eknomiya.
Samantala, maaalala, bumisita si Sen. Ejercito sa Naga City noong Sabado, Pebrero 22, 2025.