NAGA CITY – Suspendido muna ngayon ang mga transaksiyon sa mga opisina ng munisipyo ng Gainza, Camarines Sur.
Ito’y matapos na isailalim sa lockdown ang naturang munisipyo matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado sa Mayor’s Office.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Councilor Visitacion Razonable, sinabi nito na isinailalim ang nasa 60 mga empleyado sa mismong munispyo dahil ang mga ito umano ang naging close contact ng naturang empleyado.
Sa ngayon, patuloy naman umano na minomonitor ang indibidwal na isinailalim sa quarantine.