NAGA CITY- Inilunsad ng Social Security System o SSS an My.SSS Pension Booster para sa kanilang mga miyembro.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Quennie Joy S. Agsao, Senior Comunications Analyst/ Regional Communication Officer SSS Luzon Bicol Division, sinabi nito na ang My SSS Pension Booster ay nangangahulugan na maliban sa regular na pension na maaring matanggap ng retiradong manggagawa mayroon pang matatanggap na dagdag sa monthly pension enkaso magdagdag ng buwanang hulog.
Ayon pa kay Agsao, maaari itong e-enroll sa SSS Portal na makikita online na kung saan P500 ang minimum na maaring idagdag sa buwanang kontribusyon sa SSS upang makatanggap ng mas malaking pension enkaso magreretiro na.
Dagdag pa ng opisyal, maaari itong boluntaryo pero enkaso mayroong employer makakatuwang sila sa paghuhulog nito.
Kaugnay nito, mararanasan ang mas dagdag na pension kung magsisimulang mag-ipon ng maaga.
Pwede itong hulugan ng monthly, quarterly, annualy dahil hindi nagla-lapse, walang maturity at tax free ang perang maiipon.
Maari naman na makuha ng pamilya ang maiipong pension at accumulated fund mula sa pension booster enkaso bawian ng buhay ang isang miyembro.