NAGA CITY- Nagdeklara na ng State of Calamity ang bayan ng Nabua, Camarines Sur dahil sa epekto ng mas pinahigpit na enhanced community quarantine.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Nabua-Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nabatid na naaprubahan ang naturang hakbang sa 1st special session ng Sangguniang Bayan kung saan kasama sa naipasa ang “Resolution Declaring the Municipality of Nabua under state of Calamity Due to covid 19.”
Dahil sa naturang hakbang, pwede nang ma-access ang Quick Response Fund ng mga barangays para makapag-distribute na ng food packs sa mga residente sa lugar.
Nagpoproseso na rin ang municipyo sa pag repack at pag-distribute ng mga goods sa mga barangays na nasasakupan ng naturang lugar.
Sa ngayon, sa Bicol Region may 44 Persons Under Investigation dahil sa COVID-19, 18 ang nagnegatibo habang 26 naman ang naghihintay sa resulta mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).