NAGA CITY – Suspendido na ang lahat ng pasok sa mga opisina sa Kapitolyo at klase sa lahat ng lebel sa lalawigan ng Camarines Sur.
Sa ipinalabas na Memorandum No. 2 ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, nakasaad dito na simula ngayong araw, Hunyo 2, suspendido na ang lahat ng pasok at klase dahil sa banta ni Bagyong Dante.
Ito’y matapos ibandera ang Signal No. sa buong lalawigan dahil sa nasabing bagyo.
Samantala, kanselado na rin ang pasok sa lahat ng ahensya sa lungsod ng Naga, batay naman sa ipinalabas na Memorandum ni Naga City Mayor Nelson Legacion.
Ngunit, mananatili naman na bukas ang mga opisina na may kinalaman sa disaster risk reduction management upang patuloy na makapagpadala ng tulong sa mga maapektuhan ng nasabing bagyo.
Kaugnay nito hinihikayat naman ng pamahalaang probinsyal na ipatupad na rin ang nasabing hakbang sa mga local government offices, government agencies at mga pribadong kompanya.Top