NAGA CITY- Balik COVID-19 free na sa ngayon ang lungsod ng Naga.
Ito’y matapos kumpirmahin ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa ginawang press briefing na tuluyan ng nakarekober ang pasyante na una ng naitalang nagpositibo sa nasabing sakit.
Kahit ang lola nito na unang nakasalamuha ng pasyente ang ipinasailalim din sa swab testing at nagnegatibo rin sa sakit.
Kaugnay nito, nito lamang araw ng nadischarge na ang 30-anyos na babaeng pasyente sa Bicol Medical Center.
Ayon kay Legacion, plano na rin nilang tanggalin ang total lockdown sa Sister Therese Subdivision, Conception Pequena, Naga City kung saan nakatira ang nasabing pasyente.
Subalit, nilinaw naman ni Legacion na magpapatuloy pa rin ang home quarantine sa lungsod bilang bahagi ng mas pinahigpit na protocol at guidelines sa ilalim ng enhanced community quarantine.