NAGA CITY – Pinarangalan bilang best fire station sa buong Pilipinas ang Naga City Central Fire Station.
Sa opisyal na pahayag ng Naga City Government, nabatid na sa isinagawang pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP), kinilala ang naturang himpilan na pinamumunuan ni Acting City Fire Director FSINSP Peterpaul V. Mendoza.
Ayon dito, kasama sa mga naging criteria ng ibinigay na parangal ay ang Fire Protection Program, Overall appearance ng City Fire Station at Personnel Readiness, batay pa sa revised Bureau of Fire Protection Programs on Awards and Incentives for Service Excellence (BFP-PRAISE).
Kaugnay nito, binigyan din ng komendasyon ng lungsod ang naturang ahensya sa pamamagitan ng Resolution No. 2021-418 ng Sangguniang Panlungsod ng Naga na pinanukala naman ni Naga City Councilor Elmer Baldemoro.