NAGA CITY – Pinangunahan ng isang konsehal sa Naga City ang pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo.
Sa pagharap sa mga kagawad ng media, sinabi ni Gayle Abonal Gomez, Konsehal ng Lungsod ng Naga, na ang pagdiriwang ng Pride Month ay upang ipakita at suportahan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ sa komunidad.
Dagdag pa nito, bagama’t itinatag ang selebrasyon na ito sa lungsod, mayroon pa ring mga diskriminasyon at pang-aabuso.
Ayon kay Gomez, na taun-taon sa pagdiriwang ng aktibidad na ito, patuloy nilang ipinapaalala na ang pagsasagawa ng mga aktibidad at programa ay hindi limitado sa buwan ng Hunyo, at dapat kasama sa mga programang ito ang sektor ng LGBTQIA+.
Samantala, sinabi ng opisyal na nagpasa na ng ordinansa ang lungsod, at ito ay tinatawag na Anti-Discrimination on SOGIE na kung saan, ito umano ay nag-iba-iba rin na may kinikilalang sari-saring tao.