NAGA CITY – Pormal ng sisimulan ang operasyon ng Naga City Hospital Molecular Laboratory.
Ito’y matapos bigyan na ng Department of Health (DOH) ng License to Operate ang nasabing laboratoryo.
Sa opisyal na pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na sa darating Miyerkules, Oktubre 13, 2021 magsisimula ang operasyon dito.
Aniya, kaya nitong mag-generate ng mahigit 200 na mga swab samples.
Kaugnay nito, mas mapapabilis na ang pagtukoy ng mga nagpopositibo sa COVID-19 dahil hindi na kailangan pang maghintay ng tatlo hanggang apat na araw para sa resulta.
Dagdag pa ng alkalde, mas mapapabilis na rin umano ang pagbibigay ng interbensyon at tulong sa mga nagpopositibo sa nakamamatay na virus.
Samantala, nilinaw din ni Legacion na libre ito sa mga indibidwal na mayroong sintomas at nagkaroon ng exposure sa nagpositibo sa COVID-19 pandemic.