NAGA CITY- Labis ang pasasalamat ng alkalde ng Naga City kay Vice President Leni Robredo dahil sa matatanggap na 6,000 doses ng single shot vaccine na Janssen vaccine.
Sa pahayag ni Naga CIty Mayor Nelson Legacion, sinabi nito na bukod pa sa nasabing doses ng bakuna, inaasahan din ang pagdating ng 300 doses ng Astrazeneca vaccine sa lungsod.
Ito’y ilalaan aniya para sa first dose ng mga Senior Citizen.
Ang nasabing mga bakuna ay ilalaan base sa priority listing ng Department of Health.
Sa ngayon, ayon pa kay Legacion, bukod aniya sa Jesse M Robredo Colisseum (JMRC), naghahanda na rin lokal na pamahalaan ng Naga para sa Mobile Vaccination.